Kronolohiko: Florante at AladinVersión en línea Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa Florante at Laura. por Arne Fadul 1 Pagliligtas ni Aladin kay Florante Muling nanumbalik ang lakas ni Florante. Magdamag binantayan ni Aladin ang binata dahil sa pangambang makagat ng mga hayop na pagala-gala. Nabigla si Florante nang magising siya kasama na ang Morong si Aladin. Aakmain na ng mga leon si Florante ngunit pinagtataga ito ni Aladin. Pinutol ni Aladin ang lubid na nakagapos sa katawan ni Florante. 2 Pagkabata ni Florante Naging kamag-aral ni Florante si Adolfo noon sa Atenas. Subalit hindi palagay ang loob nila sa isa't isa. Si FLorante ay anak ni Prinsesa Floresca at Duke Briseo na pribadong tagapayo ni Haring Linceo ng Albanya. Bata palang ay mahilig na siyang mamana at labis nitong hinahangaan ang kariktan ng kalikasan. Hindi ninais ni Duke Briseo na manatili sa tamis ng layaw si Florante kaya ipinadala nita ito sa Atenas upang doo’y tumuklas ng karunungan sa patnubay ng gurong si Antenor. Dinagit ng buwitre ang batang Florante at nakuha ang kanyang diyamanteng kwintas. 3 Buhay sa Atenas Iniligtas ni Menandro si Florante. Sa kanilang dula sa eskwela, inatake at akmang papatayin ni Adolfo si Florante. Nakatanggap siya ng isang liham mula sa kaniyang ama na nagbabalitang ang kaniyang ina ay yumao na. Lumipas ang anim na taon at nalampasan ni Florante ang talino’t karunungan ni Adolfo. Pinabalik ng Albanya si Adolfo. 4 Pagbabalik ni Florante Pinayagan ni Antenor ang kaniyang pamangkin na si Minandro na sumama kay Florante sa paglalakbay. Nagtungo sa Palasyo Real ang mag-ama at inihandog ng duke ang paglilingkod ng anak. Sa Albanya ay agad silang sinalubong ng ama ni Florante na si Duke Briseo. May iniabot itong liham na nagsasabing ang hari ng Krotona ay humihingi ng tulong dahil sila ay napapaligiran ng hukbo ni Heneral Osmalik ng Persiya. Bago tuluyang umalis si Florante pabalik sa kaharian ng Albanya ay nagbilin ang kaniyang maestro na si Antenor na mag-ingat sa higanting handa ni Konde Adolfo. 5 Si Laura Hinangaan ng Haring Linceo ang kakisigan ni Florante at sinabing ang binatang iyon ang gererong nakita niya sa kaniyang panaginip na siyang magtatanggol sa kaharian. Ipinagtapat ni Florante na mahal pa rin niya si Laura. Bagaman nanatiling tahimik si Laura ay bakas naman sa mga mata nito ang luha na siyang pabaon niya kay Florante. Inabot ng limang oras ang pagtutunggalian ng dalawa hanggang sa mapatay ni Florante si Heneral Osmalik. Halos bumagsak na ang kuta ng Krotona dahil sa walang humpay na pag-atake ng mga hukno ni Heneral Osmalik. Habang nag-uusap ay lumapit ang anak ng hari na si Laura at nakiumpok sa kanila. Nabihag muli ang puso nito sa dalagang kapantay ni Venus sa ganda.