Crear
Descargar
Obtener Plan Académico
Compartir juego
Intégralo en tu plataforma

Puedes integrar el juego en un LMS compatible con LTI 1.1 o LTI 1.3 como Canvas, Moodle, o Blackboard. De esta manera podrás guardar las puntuaciones automáticamente en el libro de calificaciones de esa plataforma.
Descargar
Has superado el número máximo de juegos que puedes integrar en Google Classroom con tu Plan actual.

Para integrar tantos juegos como quieras en Google Classroom, necesitas un Plan Académico o un Plan Comercial.

Has superado el número máximo de juegos que puedes integrar en Microsoft Teams con tu Plan actual.

Para integrar tantos juegos como quieras en Microsoft Teams, necesitas un Plan Académico o un Plan Comercial.

La descarga de juegos es una característica exclusiva para usuarios con un Plan Académico o un Plan Comercial.

Obtén ahora tu Plan Académico o Comercial y comienza a integrar tus juegos en tu LMS, web o blog.

Si lo deseas, puedes descargar un juego de prueba aquí y probar su integración:

Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa

Completar Frases

Jugadas 4 %Acierto 100 Tiempo medio 01:32

Sobre esta actividad

Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa
Simula ng Alitan ng mga Amerikano at Pilipino Bagama’t pormal na ipinagkaloob ng España ang Pilipinas sa Estados Unidos, ipinagpatuloy ni Aguinaldo ang pagtatatag ng pamahalaan. Noong Enero 23, 1899, pinasinayaan ang Unang Republika sa Malolos, Bulacan. Hindi kinilala ng mga Amerikano at iba pang dayuhang bansa ang pamahalaang ito. Subalit kinilala ito ng mga mamamayang Pilipino at itinaguyod ang kapangyarihan ng Republika ng Pilipinas sa pamumuno ni Aguinaldo bilang Pangulo.
Ang hindi pagkilala ng Estados Unidos sa Republika ng Pilipinas ang unang hudyat ng pagbabago sa pakikitungo ng mga Amerikano sa mga Pilipino. Napatunayan ng mga Pilipino na ang tunay na hangarin ng mga Amerikano ay sakupin ang Pilipinas. Noong gabi ng Pebrero 4, 1899, isang pangyayari ang tuluyang sumira sa relasyong Amerikano at Pilipino. Binaril at pinatay ng Amerikanong sundalo na si Private William Walter Grayson ang isa sa apat na Pilipinong sundalo na naglalakad sa Kalye Sociego, Sta. Mesa, Maynila.
Kinabukasan, nilusob ng mga Amerikano ang hukbo ng mga Pilipino. Hiniling ni Aguinaldo kay Heneral Elwell Otis na ipatigil ang barilan sapagkat may utos sa mga sundalong Amerikano na salakayin ang mga Pilipino. Walang nagawa si Aguinaldo kundi ang magdeklara ng pakikidigma at makipagpalitan ng putok laban sa mga Amerikano. Mula sa Malolos, sumugod ang mga pinunong Pilipino sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa upang makipaglaban.
Ang sagupaan ay nakarating hanggang Ilog-Marikina at nabihag ng mga Amerikano pati ang mga karatig-bayan ng Pasig, Pateros, at Guadalupe. Lumaganap ang labanan ng mga Amerikano at Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagkaroon ng sagupaan sa labanan ng Maynila pahilaga patungong Malolos, ang kabisera ng Unang Republika ng Pilipinas. Nagpamalas ng buong kagitingan ang mga kawal na Pilipino ngunit wala rin silang nagawa sa marahas na pagsugod ng napakaraming sundalong Amerikano.
Nabihag ng mga Amerikano. ang Malolos sa pamumuno ni Heneral Arthur MacArthur. May mga labanang naganap sa Maynila na pinamumunuan ni Hen. Antonio Luna. Ngunit nabigo ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Amerikano. Sa labanan sa Malolos noong Marso 31, 1899 bumagsak ang kabisera ng Unang Republika sa kamay ng mga Amerikano. Napilitang lumisan si Aguinaldo patungong San Fernando, Pampanga at dito inilipat ang kabisera ng Republika.

Creada por

Filipinas

Descarga la versión para jugar en papel

Crea tu propio juego gratis desde nuestro creador de juegos
Compite contra tus amigos para ver quien consigue la mejor puntuación en esta actividad

Top juegos

%
Anónimo
Anónimo
%
%
%
Has superado el número máximo de juegos que puedes imprimir con tu Plan actual.

Para imprimir tantos juegos como quieras, necesitas un Plan Académico o un Plan Comercial.

Imprime tu juego
¿Estás seguro que quieres abandonar la página?

Al abandonar la página perderás el progreso del juego.