Crear
Descargar
Obtener Plan Académico
Compartir juego
Intégralo en tu plataforma

Puedes integrar el juego en un LMS compatible con LTI 1.1 o LTI 1.3 como Canvas, Moodle, o Blackboard. De esta manera podrás guardar las puntuaciones automáticamente en el libro de calificaciones de esa plataforma.
Descargar
Has superado el número máximo de juegos que puedes integrar en Google Classroom con tu Plan actual.

Para integrar tantos juegos como quieras en Google Classroom, necesitas un Plan Académico o un Plan Comercial.

Has superado el número máximo de juegos que puedes integrar en Microsoft Teams con tu Plan actual.

Para integrar tantos juegos como quieras en Microsoft Teams, necesitas un Plan Académico o un Plan Comercial.

La descarga de juegos es una característica exclusiva para usuarios con un Plan Académico o un Plan Comercial.

Obtén ahora tu Plan Académico o Comercial y comienza a integrar tus juegos en tu LMS, web o blog.

Si lo deseas, puedes descargar un juego de prueba aquí y probar su integración:

EPP 4- REVIEWER-FIRST TERM (Project REePLAY)

Test

(3)
Jugadas 202 %Acierto 87 Tiempo medio 10:48

Sobre esta actividad

Ang REVIEWER SA EPP 4 (FIRST TERM) ay bahagi ng Project BEE (Be Efficient and Effective) na naglalayong itaas ang Mean Percentage Score (MPS) ng mga mag-aaral sa periodical exam sa pamamagitan ng maayos at sistematikong paghahanda. Kalakip din ito sa Project RePlay (Rebuilding Educational e-Playground at Home) na nagbibigay ng home-based review support gamit ang teknolohiya at simpleng gabay sa pag-aaral upang mas mapadali at maging mas makabuluhan ang pag-unawa ng mga bata sa mga aralin sa EPP.

Creada por

Filipinas

Descarga la versión para jugar en papel

Crea tu propio juego gratis desde nuestro creador de juegos
Compite contra tus amigos para ver quien consigue la mejor puntuación en esta actividad

Top juegos

%
Anónimo
Anónimo
%
%
%
Has superado el número máximo de juegos que puedes imprimir con tu Plan actual.

Para imprimir tantos juegos como quieras, necesitas un Plan Académico o un Plan Comercial.

Imprime tu juego
EPP 4- REVIEWER-FIRST TERM (Project REePLAY)
 

EPP 4- REVIEWER-FIRST TERM (Project REePLAY)Versión en línea

Ang REVIEWER SA EPP 4 (FIRST TERM) ay bahagi ng Project BEE (Be Efficient and Effective) na naglalayong itaas ang Mean Percentage Score (MPS) ng mga mag-aaral sa periodical exam sa pamamagitan ng maayos at sistematikong paghahanda. Kalakip din ito sa Project RePlay (Rebuilding Educational e-Playground at Home) na nagbibigay ng home-based review support gamit ang teknolohiya at simpleng gabay sa pag-aaral upang mas mapadali at maging mas makabuluhan ang pag-unawa ng mga bata sa mga aralin sa EPP.

por Chyla Biscocho
1

Habang nag-iinspeksyon si Bingo sa kanyang taniman, napansin niyang nagbabago ang kulay ng mga bunga habang nahihinog. Ano ang karaniwang kulay ng mga hinog na bunga?

2

Maagang pumunta si Auel Christ sa bukid upang anihin ang mga gulay at prutas bago uminit nang husto ang panahon. Bakit mas mabuting mag-ani sa umaga habang hindi pa mainit?

3

Mag-aani si Nate Aedrielle ng mga bunga na nakakabit sa tangkay ng halaman. Nais niyang maiwasang mapinsala ang puno habang nag-aani. Anong kagamitan ang dapat niyang gamitin?

4

Sinusuri ni John Kiel ang isang pakwan bago ito anihin. Nais niyang malaman kung hinog na ito sa pamamagitan ng pagtapik sa balat. Alin ang palatandaan ng hinog na pakwan?

5

Pagkatapos mag-ani, napansin ni Nathaniel na may ilang bungang nasira o may bahaging bulok. Bakit mahalagang ihiwalay ang sirang bunga sa mga magagandang klase?

6

Nais malaman ni Tristan kung handa na para anihin ang kanyang mga halamang ugat. Napansin niyang nagbabago na ang mga dahon ng halaman. Ano ang palatandaan na maaari na itong anihin?

7

Habang sinusuri ni Kendrick ang isang pakwan, tinapik niya ang balat nito upang malaman kung hinog na. Ano ang tawag sa tunog na karaniwang maririnig sa hinog na pakwan?

8

Nag-ani si King Enrique ng mga bunga kahit hindi pa sapat ang kanilang pagkahinog. Nang suriin niya ang mga ito, napansin niyang hindi pa maganda ang kanilang kalidad. Ano ang maaaring mangyari kung masyadong maaga ang pag-aani?

9

Habang nag-aani si Lucas, napansin niyang madaling mapitas ang isang bunga mula sa tangkay. Ano ang dapat niyang gawin?

10

Matapos anihin ni Ace Jared ang mga prutas at gulay, nais niyang mapanatili ang kanilang magandang kondisyon at kalidad. Alin ang nagpapakita ng tamang pag-iingat sa mga inaning produkto?

11

May bumili ng kamatis sa iyong puwesto. Nais mong matiyak na hindi masisira ang mga kamatis habang dinadala ito ng mamimili. Paano mo ito dapat ilagay sa plastik?

12

Marami kang dalang kalabasa para ibenta sa palengke. Dahil malalaki at mabibigat ang mga ito, saan mo dapat ilagay ang mga ito sa mesa?

13

Isang mamimili ang lumapit sa iyong puwesto at nagreklamo tungkol sa presyo ng iyong paninda. Ano ang dapat mong gawin?

14

Nais mong malaman kung magkano ang tamang presyo ng iyong mga inaning produkto. Ano ang dapat mong isaalang-alang?

15

May mamimiling nais makatipid at mabawasan ang paggamit ng plastik. Ano ang maaari mong ipayo na dalhin niya?

16

Isang suki ang humihingi ng sobrang baba na presyo para sa iyong produkto. Hindi mo kayang ibaba pa ang presyo dahil maaaring malugi ka. Paano ka tatanggi?

17

Habang inaayos mo ang iyong mga paninda, nakita mong may isang bulok na saging. Ano ang dapat mong gawin?

18

Kinukuwenta mo ang presyo ng iyong mga inaning gulay. Bukod sa halaga ng abono, ano pa ang dapat mong isama sa pagkwenta?

19

Nais mong malaman agad ng mga mamimili kung magkano ang bawat paninda sa iyong puwesto. Paano mo ito masisiguro?

20

May batang bumili ng gulay sa iyong puwesto. Nais mong ipakita ang mabuting pakikitungo sa lahat ng mamimili. Paano mo siya kakausapin nang wasto?

21

Habang inaayos ni Wesley ang kanyang study area, tinulungan siya ng guro na ayusin nang tama ang upuan, mesa, keyboard, at monitor upang maging komportable at ligtas siya habang gumagamit ng computer. Ano ang tawag sa sining ng wastong pag-aayos ng kagamitan para sa tao?

22

Si Prince ay matagal na gumagamit ng computer para sa kanyang mga gawain sa paaralan. Nais niyang maiwasan ang pananakit ng kanyang likod, leeg, balikat, at iba pang bahagi ng katawan. Bakit mahalaga ang pagsunod sa tamang postura sa harap ng computer?

23

Habang gumagawa ng assignment si Kurt Jahred sa computer, napansin niyang nakabitin ang kanyang mga paa dahil mataas ang kanyang upuan. Ano ang tamang posisyon ng kanyang mga paa habang nakaupo?

24

Habang gumagamit ng computer si Junjun, napansin niyang napakalapit ng kanyang mukha sa monitor. Upang mapanatiling komportable ang kanyang mga mata, gaano dapat kalayo ang kanyang mga mata mula sa computer screen?

25

Habang nagta-type si Vince ng kanyang report, inaayos niya ang posisyon ng kanyang mga kamay at braso upang hindi mapagod ang mga ito. Anong hugis ang dapat mabuo ng kanyang siko habang gumagamit ng keyboard?

26

Matagal nang nakatingin si Jhon Bert sa computer screen habang gumagawa ng kanyang assignment. Naalala niya ang 20-20-20 rule na itinuro ng kanyang guro. Ano ang dapat niyang gawin tuwing ika-20 minuto?

27

Dahil gustong matapos agad ni Zyron ang kanyang computer activity, inilapit niya nang husto ang kanyang mukha sa screen. Ano ang maaaring mangyari kung masyadong malapit ang kanyang mata sa screen?

28

Gumagamit si Ryle Vinz ng computer ngunit hindi umaabot sa sahig ang kanyang mga paa dahil mataas ang kanyang upuan. Ano ang dapat niyang gawin?

29

Habang inaayos ni Rhenz ang kanyang computer monitor, nais niyang tiyaking nasa tamang taas ito upang hindi niya kailangang yumuko o tumingala nang sobra. Saan dapat nakapantay ang itaas na bahagi ng computer monitor?

30

Matapos gumamit ng computer nang isang oras si Ken Kyrie, napansin niyang naninigas ang kanyang katawan. Ano ang pinakamabuting gawin?

31

Naglalaro si Ralph ng online game nang limang oras nang walang mahabang pahinga. Nang tumayo siya, sumakit ang kanyang likod. Ano ang dapat niyang gawin?

32

Napansin ni Rance na madalas napapagod at lumalabo ang kanyang paningin pagkatapos gumamit ng gadget nang matagal. Ano ang maaaring sanhi nito?

33

Gabi na ngunit gumagamit pa rin si Jennica ng cellphone sa halip na magpahinga. Ano ang maaaring maging epekto nito?

34

Gusto ni Hazel na magkaroon ng sapat na oras para sa pag-aaral, pahinga, paglalaro, at paggamit ng gadgets. Ano ang pinakamainam niyang gawin?

35

Itinuro ng guro na mahalagang gamitin ang teknolohiya sa paraang nakatutulong sa kalusugan, pag-aaral, at pang-araw-araw na buhay. Ano ang tawag sa malusog na ugnayan ng tao sa teknolohiya?

36

Si Ezrah Faith ay matagal nang nakaupo sa harap ng computer at nakakaramdam na ng pagod. Nais niyang gumalaw at makapagpahinga mula sa screen. Ano ang tamang ehersisyo o gawain?

37

Napansin ni Sofia Mae na nahihirapan siyang mag-focus sa kanyang pag-aaral matapos gumamit ng tablet nang matagal. Bakit ito maaaring nangyari?

38

Nakalimutan ni Samantha na kumain dahil sa sobrang tagal niyang nanonood ng videos. Ano ang maaaring nawala sa kanya?

39

May patakaran sa bahay nina Ayesha Kaye na bawal gumamit ng gadget habang kumakain. Bakit mahalaga ang ganitong patakaran?

40

Napansin mong madalas na nag-iisa ang iyong kaibigan at mas pinipiling gumamit ng gadget kaysa makipag- usap o makipaglaro sa iba. Ano ang maaaring ipinapakita nito?

¿Estás seguro que quieres abandonar la página?

Al abandonar la página perderás el progreso del juego.