Florante at Laura Drill: Saknong 224-242Versión en línea Saknong fokus na tanong por Jehanne Eco 1 Sa pagtatanghal na ginawa ng mga mag-aaral ni Gurong Antenor, sino ang nagligtas sa buhay ni Florante mula kay Adolfo? 229 “ Ako’y napahiga, sa inilag-ilag, Sinabayang bigla ng tagang malakas; Salamat s aiyo, O Menandrong liyag Kung di sa liksi mo, buhay ko’y nautas!” a Ang kanyang pinsan na si Menalipo mula sa Epiro, na may dalang pana. b Ang kaibigang si Menandro na naging maliksi sa pagtulong sa kaibigan. c Ang mga kamag-aral na nagsilbing mga kawal sa pagtatanghal. d Ang direktor sa kanilang pagtatanghal. 2 Ano ang ipinahihiwatig ng paraan ni Adolfo sa pakikipagkompitensya niya kay Florante? 222 Ang lihim na ito’y kaya nahalata, dumating ang araw ng pagkakatuwa, kaming nag-aaral baguntao’t bata, sari-saring laro aming panukala. a Siya ay may mabuting hangarin at tapat na pakikipagkaibigan kay Florante. b Siya ay walang pakialam sa tagumpay ni Florante at mas piniling umiwas sa alitan. c Siya ay may inggit at lihim na galit na nagtutulak sa kanya upang manira at maghiganti. d Siya ay masipag at patas na nakikipagpaligsahan upang patunayan ang kanyang kakayahan. 3 Ano ang mahihinuha sa damdamin ni Adolfo batay sa kanyang sinabi na “ikaw ang umagaw, ng kapurihan ko dapat kang mamatay”. a Siya ay may matinding galit at inggit na nagtutulak sa kanya upang maghiganti. b Siya ay nagpapakita ng kababaang-loob at pagtanggap sa pagkatalo. c Siya ay nalilito at hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon. d Siya ay nasasaktan ngunit handang magpatawad at umunawa. 4 Ano ang maaaring ipakahulugan sa paghahambing sa “bangis ng dusang bumugso” at “kamandag na dumaloy sa agos ng dugo”? 242 “Anupat sa bangis ng dusang bumugso Minamasarap kong mutok yaring puso, at nang ang kamandag na nakapupuno’y sumamang dumaloy sa agos ng dugo." a Ang tao ay walang kakayahang pigilan ang sariling emosyon. b Ang damdamin ay pansamantala lamang at madaling mawala. c Ang matinding pighati at galit ay kayang umapekto sa isip at kilos ng tao. d Ang paghihiganti ay palaging makatarungan sa panahon ng pagdurusa. 5 Kung iuugnay sa kasalukuyang lipunan, ano ang ipinahihiwatig ng taludtod tungkol sa epekto ng matinding galit o poot? at nang ang kamandag na nakapupuno’y sumamang dumaloy sa agos ng dugo. a Wala itong epekto sa pagpapasya ng isang tao. b Nagiging daan ito upang maging mas matatag ang isang tao. c Ito ay kinakailangang damdamin upang makamit ang tagumpay. d Maaari itong magdulot ng kapahamakan kung hahayaang manaig sa puso. Feedback 1 Tama! 2 Magaling! 3 Tumpak! 4 Magaling! 5 Tumpak!