Froggy Jumps Mga Paraan ng Pagiging Mapanagutang sa Paggamit ng Social MediaVersión en línea GMRC 7 por Ana Salvador 1 Ano ang unang dapat mong gawin bago mag-post sa social media? a Mag-post agad nang hindi iniisip ang epekto. b Siguraduhing ito ay totoo at walang masasaktan. c Gamitin ang anumang impormasyon na makita online. 2 Ano ang dapat gawin bago magbahagi ng impormasyon sa social media? a Siguraduhin kung ito ay totoo at mula sa mapagkakatiwalaang source. b I-share agad para maging viral. c Kopyahin mula sa kahit anong website. 3 Ano ang tamang gawin kung may nakita kang maling impormasyon online? a I-share agad para maraming makakita. b I-report o itama ang impormasyon sa maayos na paraan. c Huwag pansinin at hayaang magkalat. 4 Ano ang dapat gawin kung may taong nambabastos o nangha-harass sa social media? a I-post ito para marami ang makisali sa gulo. b Sumali sa pangha-harass upang hindi mapansin. c I-report ito sa tamang awtoridad at umiwas sa gulo. 5 Ano ang tamang gawin kung may nag-share ng pribadong impormasyon mo nang walang pahintulot? a Gumanti sa pamamagitan ng pag-post ng pribadong impormasyon nila. b Magalit sa lahat ng gumagamit ng social media. c I-report ito sa platform at sa kinauukulan. 6 Bakit dapat limitahan ang oras ng paggamit ng social media? a Upang magkaroon ng mas maraming oras sa tunay na buhay at responsibilidad. b Para hindi masyadong sumikat online. c Upang hindi masyadong makakita ng balita. 7 Ano ang dapat gawin kung nais mong makilahok sa isang online na diskusyon tungkol sa isang sensitibong isyu? a Mag-post ng walang basehang impormasyon. b Maging maingat sa pananalita at siguraduhing may respeto. c Magpakalat ng maling impormasyon upang makakuha ng suporta. 8 Ano ang dapat isaalang-alang sa pagbabahagi ng personal na impormasyon sa social media? a Tanging mga kaibigan at pamilya lamang ang dapat makakita ng sensitibong impormasyon. b Huwag maglagay ng privacy settings para mas madaling makita ng iba. c I-post ang lahat ng impormasyon upang maging bukas sa lahat. 9 Paano mo magagamit ang social media sa pagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan? a Paggamit nito upang magbahagi ng tamang impormasyon at makilahok sa makabuluhang usapan. b Paggamit nito upang makisali sa online away. c Paggamit nito upang magpakalat ng hindi pa kumpirmadong balita. 10 Bakit mahalagang maging responsable sa pagpapahayag ng opinyon sa social media? a Dahil mas madali itong gawin kaysa makipag-usap sa personal. b Dahil mas maraming views ang makukuha mo kung magpo-post ng kontrobersyal na opinyon. c Dahil ang maling paggamit ng social media ay maaaring magdulot ng away at maling impormasyon.