Mga Wika ng Timog-Silangang AsyaVersión en línea PANUTO: Tukuyin kung ano ang wika na sinasalita sa mga bansa ng Asya. por Albert Sampaga 1 Burmese 2 Bahasa Malaysia 3 Thai 4 Bahasa Indonesia 5 Filipino 6 Tetum 7 Vietnamese 8 Lao 9 Khmer Explanation 1 Ang wikang Burmese ay pangunahing wika sa Myanmar. Ito ay nagmula sa mga wikang Sino-Tibetan. 2 Ang Bahasa Malaysia ay sinasalita sa Malaysia, Brunei, at Singapore. Nakabatay ito sa wikang Malay na kabilang sa mga wikang Austronesian. 3 Ang pangunahing wika sa Thailand. Ang Thai ay kabilang sa mga wikang Tai-Kadai. 4 Ito ang pangunahing wika ng Indonesia. Ang Bahasa Indonesia ay nakabatay rin sa wikang Malay na mula sa mga wikang Austronesian. 5 Ang Filipino ang opisyal na wika ng Pilipinas. Nakabatay ito sa wikang Tagalog na kabilang rin sa mga wikang Austronesian. 6 Ang wikang Tetum ay sinasalita sa Timor-Leste. Kabilang ito sa mga wikang Austronesian. 7 Ang Vietnamese ay pangunahing wika ng Vietnam. Ito ay mula naman sa mga wikang Austroasiatic. 8 Ito ang pangunahing wika ng Laos. Kabilang din ito sa mga wikang Tai-Kadai, tulad ng wikang Thai. 9 Ang wikang Khmer ay sinasalita sa Cambodia. Tulad ng Vietnamese, mula rin ito sa mga wikang Austroasiatic.