Froggy Jumps FILIPINO 7: MAIKLING PAGSUSULIT PARA SA IKATLONG MARKAHANVersión en línea Basahing mabuti ang bawat katanungan, at piliin ang angkop na kasagutan. Paghusayan ang pagsagot. KAYANG-KAYA MO IYAN! PADAYON! por Bb. Cheine Mae Piosca 1 1. Ang Intonasyon, tono at punto; diin at haba; at, hinto at antala, ay mga uri ng _______ na esensyal sa mabisang pakikipagtalastasan. Ano ang hinihingi ng patlang? a Ponema b Ponemang Suprasegmental c Ponemang Segmental 2 "Putak, putak, batang duwag. Matapang ka’t nasa pugad." Ang kaalamang-bayan na ito ay halimbawa ng? a Tulang Panudyo b Tugmaang de gulong c Bugtong 3 Alin sa mga sumusunod na pahayag ang WASTO? a Ang mga kathang may paksa tungkol sa bagyo, trahedya, at pagkawasak ay halimbawa ng Tulang panudyo. b Ang tugmaang de-gulong ay mga kathang may kinalaman sa paglalakbay ng mga pasahero at pagbibiyahe. c Iisa lamang ang bugtong at palaisipan. 4 Ito ay literal na kahulugan o kahulugang nagmumula sa diksyonaryo. a Konotasyon b Salita c Denotasyon 5 Anong anyo ng panitikan ang nagpapahayag ng damdamin ng isang tao na binubuo ng mga saknong at taludtod? a Tula b Maikling kuwento c Alamat 6 Kompletuhin ang anolohiya. Tula: taludtod; Kaalamang-bayan: _____ a Bugtong b Saknong c Pagbabalita 7 Bukod sa mga ponemang suprasegmental, alin sa mga sumusunod ang nakatutulong din sa mabisang pagpapahayag? a Ponema b Ponemang suprasegmental c Di berbal na palatandaan 8 Ang alamat ni Mariang Sinukuan ay isang alamat, dahil? a Nagsasaad ng pinagmulan ng kuwento ni mariang sinukuan at magkakaibang katangian ng mga hayop. b Tumatalakay sa diyos/diyosa at mga hayop. c Tumatalakay sa tunay na pangyayari sa buhay. 9 Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga elemento ng tula, MALIBAN sa? a sukat b tugma c palaisipan 10 Ang dulang pantelebisyon ay tumutukoy sa mga programa, palabas sa telebisyon o mga produksyong medya. Ito rin ay tinatawag na _____? a De kahong medya b Medya ng dula c De medyang pantelebisyon 11 Alamin kung ang pahayag ay TAMA o MALI. Ang pagkatutulad ng mito, alamat, maikling kuwento at kuwentong-bayan ay tumatalakay ito sa kalikasan, relihiyon, kultura maging heograpiya, uri ng pamumuhay at katangian ng mga mamamayan sa isang lugar. a TAMA b MALI c WALA SA PAGPIPILIAN ANG SAGOT 12 Alamin kung ang pahayag ay TAMA o MALI. Ang direktor ang mga nagsisiganap sa isang palabas at bumibigkas ng diyalogo. a MALI b TAMA c WALA SA PAGPIPILIAN ANG SAGOT 13 Alamin kung ang pahayag ay TAMA o MALI. Ang balita ay isinusulat gamit ang inverted pyramid na paraan sa paglalatag ng datos. a MALI b TAMA c WALA SA PAGPIPILIAN ANG SAGOT 14 Ano sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng mga dapat tandaan sa pagpili ng angkop na salita o pangungusap sa pagsulat ng balita? a Huwag maging paligoy-ligoy. b Gumamit ng matatalinghagang salita. c Huwag na huwag maglalagay ng sariling opinyon. 15 Ito ang reperensya kung nabanggit na sa unahan ang salita ang pag-uugnay ng pangungusap. a Kataporik b Anaporik c Pang-ugnay