Relacionar Columnas Gawain II: Ekonek!Versión en línea Panuto: Ikonekta ang hanay B batay sa kahulugan ng mga salitang nakasulat sa hanay A. May sampung (10) minuto lamang kayo para sagotan ang mga katanungan. por GLAIZA MAE GUNAY 1 FOOT BINDING 2 ANTI-HOMOSEXUALITY ACT OF 2014 3 KARAHASAN SA KALALAKIHAN 4 KARAHASAN SA LGBTQIA+ 5 SEVEN DEADLY SINS 6 KARAHASAN 7 DOMESTIC VIOLENCE 8 KARAHASAN SA KABABAIHAN 9 BREAST IRONING/BREAST FLATTENING 10 DISKRIMINASYON Anumang paggamit ng pisikal na puwersa o kapangyarihan, pagbabanta o aktwal, laban sa sarili, ibang tao, o laban sa isang grupo o pamayanan, na may mataas na posibilidad na magresulta sa pinsala, kamatayan, at sikolohikal na pinsala. Ang mga sumusunod ay ang mga karahasang nararanasan ng ating mga kababihan ayon sa GABRIELA, isang samahan upang protektahan ang kababaihan laban sa; pambubugbog/pananakit, panggagahasa, incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso, sexual harassment, sexual discrimination at exploitation, limitadong access sa reproductive health, at sex trafficking at prostitusyon. Ayon sa 2017 National Demographic and Health Survey (NDHS) Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal, seksuwal, at emosyonal.. At isa rin sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng emosyonal na pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner. Ito ay karahasang nagaganap sa isang relasyon; heterosexual at homosexual na relasyon. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima ng pagpatay mula 2008-2015. Katulad ng mga kababaihan, at ng LGBTQIA+, sila rin ay nakararanas ng maraming uri ng karahasan. Ito ay dahil wala gaanong batas ang pumoprotekta sa kanila, sa kadahilanang pinaniniwalaan ng lipunan na sila marapat lamang na malaks, matapang at makapangyarihan. Tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan. Isang batas bansang Uganda na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo. Isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa na nagpapakita ng karahasan laban sa mga kababaihan. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. Ang maaaring maging epekto nito sa kalusugan ng mga biktima — mga cyst, cancer sa suso, at mga isyu sa pagpapasuso. Isinasagawa sa mga babae noong sinaunang China. Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae upang hindi ito lumaki nang normal. Ang kanilang mga paa ay mahigpit na nakagapos gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang perpektong paa ng babaeng may sapat na gulang ay tatlo hanggang apat na pulgada ang haba. Ang mga deformed feet ay kilala bilang ‘lotus feet o lily feet’. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.