1
Pagsipot palang sa maliwanag, kulubot na ang balat.
2
Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos.
3
Hakot dito, hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon.
4
Isang seňorita, nakaupo sa tasa.
5
Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
6
Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo.
7
Kayliit pa ni neneng, marunong nang kumendeng.
8
Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo.
9
Baston ni Adan, hindi mabilang-bilang.
10
Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo.